^

Para Malibang

Gusto lang isahan ng bf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Thea, 24 years old. Kabi-break lang namin ng bf ko. Eight months pa lang kami ng magdesisyon akong makipag-break dahil hindi ko tiyak kung isa lang ako sa mga babaeng gusto niyang paglaruan. Magkasama kami sa office at dun na kami nagkakilala, nagligawan at nagkarelasyon. Kinausap ako ng common friend namin na kasamahan din sa opisina. Gusto raw ng ex-bf ko na makipagbalikan sa akin. Pero alam na alam sa buong office namin na bukod sa akin, mayroon pa siyang ibang mga gf in the same building. Balita ko, lahat sila’y nakuha na niya. Noon pa man gusto niyang magkaroon kami ng pre-marital sex pero tumatanggi ako. Makikipagbalikan ba ako sa kanya?

Dear Thea,

Marahil kaya gusto niyang mag-reconsider ka ay natsa-challenge siya sa iyo. Dahil kung totoong lahat ng gf niya ay nakuha niya, determinado siyang makuha  ang gusto niya sayo kaya ibig niyang makipagbalikan. Kung ayaw mong matulad sa kanila, panindigan mo ang desisyon mo. Maging matalino ka para huwag mapahamak. Ang ganyang tipo ng lalaki ay walang karapatang ibigin ng babae kaya huwag kang padala sa kanyang panunuyo.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

DAHIL

DEAR THEA

DEAR VANEZZA

KABI

KINAUSAP

MAGKASAMA

MAKIKIPAGBALIKAN

MARAHIL

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with