^

Para Malibang

Ang tunay na ikaw....

Pang-masa

Maraming tao ang hirap na hirap na magpakatotoo sa kanilang sarili na nagreresulta ng kanilang pagiging “plastic” o hindi nagiging totoo sa kanilang sarili. Pero, ang hindi alam ng mga taong plastic ay ang masarap na pakiramdam na tinatanggap ka ng iyong kapwa dahil sa pagiging tunay na ikaw at hindi dahil sa taong iyong ginagaya o pini-pretend. Ang pagpapakatotoo ay hindi naman mahirap gawin, pero hindi mo rin ito kakayanin na baguhin ang iyong sarili sa ilang saglit, araw o buwan. Kailangan mo muling palabasin sa iyong sarili kung sino ka. Narito ang ilang paraan para maalis ang iyong pagiging plastic at maging totoo sa iyong sarili.

Kilalanin ang iyong sarili -  Paano ka magpapakatotoo kung hindi mo kilala ang iyong sarili? Kaya ang unang dapat mong gawin ay kilalanin ang iyong sarili. Marami kasing tao na estranghero sa kanilang sarili.

Maging tapat  - May mga pagkakataon na kinakailangan mong magbigay ng ilang impormasyon sa mga taong nakapaligid sa’yo. Ito na ang pagkakataon mo na maging tapat sa iyong sarili at sa mga taong ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng tapat na impormasyon sa kanila. Bakit mo naman sasabihin sa iba na ikaw ay nakatira sa condominium kung sa apartment ka naman talaga nakatira? Kung hinihingian naman ng opinion at sa tingin mo ay hindi maganda ang iyong masasabi, mas piliin na lang na huwag magsalita o di kaya ay sabihin ang iyong opinion sa maayos at magalang na paraan. Hindi rin dapat ikatuwiran na nagpapakatotoo ka lang sa iyong sarili sa pagsasabi ng negatibong komento.

 

BAKIT

IYONG

KAILANGAN

KAYA

KILALANIN

MARAMI

NARITO

SARILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with