Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na ang sesame oil ay mula sa bansang India? Ito ay gawa mula sa hilaw na buto ng sesame. Sa China, karaniwan ng tinutusta ang buto ng sesame para katasin ang buto nito at maging langis. Maraming ulit na nababanggit ang sesame oil sa mga lumang talaan ng Assyrians at Greeks. Ang prutas na mangga o mango naman ay mula rin sa India. Noong unang panahon itinuturing na banal ang prutas na ito dahil sa matandang kuwento na ang puno nito ang nagbigay ng lilim kay Buddha.
Alam n’yo ba na “waterproof” o hindi nababasa ang mga bibe? Ito ay dahil sa madulas nilang balahibo. Kahit na tumalon sila sa ilalim ng tubig ay hindi sila mababasa dahil tila may “wax” ang kanilang buong katawan at balahibo. Ang tuka ng bibe ay mayroong matigas na bahagi para maipanghukay nito sa putik sa kanyang paghahanap ng pagkain at sa gilid naman ng tuka ay tila mayroong suklay sa kanyang tuka para sa panghuhuli niya ng insekto. Karamihan ng mga lalaking bibe ay tahimik.
- Latest