Maraming mga halaman sa ating kapaligiran na minsan ay hindi natin nalalaman na mayroon palang pakinabang ang mga ito sa ating kalusugan. Narito ang ilang herbs na mahusay sa katawan:
Tanglad – Mahusay ito sa kalusugan dahil inaalis nito ang toxins sa katawan. Maaari itong gawing tsaa o tea. Ang pag-inom nito ay nakakapagbigay ng magaan na pakiramdam lalo na kung masakit at puno ng lamig ang iyong tiyan. Mahusay din ito kapag nakakaramdam ng pananakit ng lalamunan. Sa ilang bansa sa Asia, ginagamit pa ito sa Spa saloon at ipinanglilinis sa katawan, lalo na sa paa.
“Bael fruit” o “Bilwa” - Ang halaman o puno nito ay mahalaga sa mga taga India at makakakita ka ng marami nito sa paligid ng mga Indian Temples. Maraming pakinabang sa dahon at prutas nito bagama’t mahirap ilarawan ang lasa nito, mahusay itong pangkontrol sa diabetes. Ang katas ng dahon nito ay nakakapagpababa ng sugar ng katawan ng halos 54%. Maging ang cholesterol at triglycerides level ng katawan ay kaya nitong pababain. Ang taglay na biochemical nitona “cuminaldehyde” at “eugenol” ang lumalaban naman sa bacteria, virus at fungus na aksidenteng pumasok sa katawan. Kung ang problema mo naman ay ang kahirapan sa pagdumi, makabubuti naman ang pagkain ng prutas nito. Maituturing na “laxative” o nakakalinis ng bituka ang prutas nito.
Mulberries - Ito ay orihinal na mula sa Asia, Africa at Amerika. Ang taglay nitong “Anthocyanins” ay mahusay na panlaban sa cancer, pamamaga, diabetes at bacterial infection. Habang ang “resveratrol” nito ay panlaban naman sa stroke. Mabuti rin ito sa mata dahil ang “zea-xanthin” nito ay nagbibigay proteksiyon sa retina ng mata mula sa ultraviolet rays mula sa araw.
Pandan - Kung masakit ang ulo mo, mabuting uminom ng pandan tea. Mabuti itong pain reliever laban sa sakit ng ulo, arthritis, pananakit ng dibdib, tenga at mahusay din pampababa ng lagnat.