^

Para Malibang

Mga dahilan ng ‘insecurities’ ni kuya (Last part)

Pang-masa

Ito ay huling bahagi ng paksa hinggil sa mga bagay na nakakakapagdulot ng insecurities sa mga kalalakihan: Narito pa ang ilan:

Kapag tumatanda – Kahit pa nakikita mo ng nagdodoble-doble na ang guhit sa noo ng iyong mister at naglalabasan na lahat ng uri ng wrinkles sa kanyang mukha, huwag mo ng ipagdukdukan sa kanyang reyalisasyon na siya ay matanda na, dahil tiyak na makakaramdaman lang siya ng “insecurities” na posibleng magpababa ng tiwala sa kanyang sarili. Hindi lahat ng lalaki ay magiging katulad ng Hollywood actors na sina George Clooney at Richard Gere na habang tumatanda ay mas nagiging ma-appeal.

Pagpapakita ng “love” – Lahat naman ng tao ay may iba’t ibang paraan upang magpakita ng kanilang pagmamahal sa kanilang partner. Ang iba masyadong magastos, ang iba naman ay mas pinipili ang mga bagay na mura lang. Kung ang naibigay niya sa’yo ay murang halaga lang na regalo, hindi mo ito dapat ipagmarakuluyo. Gaya ng isang kasabihan “It’s the thought that counts”.

Hindi makapagbukas ng jar – Minsan, ang mga babae dahil sa sobrang feminine ay halos hindi makapagbukas ng bote o garapon kaya naman agad tayong tatakbo kay kuya at sa kanya ito ipagagawa. Kaya lang kapag hindi nila ito magawa, nagkakaroon sila ng pagkainis sa kanilang sarili, kaya kahit pa magkasugat-sugat na ang kanilang kamay ay gagawin nila ang lahat ng paraan para maibigay ang hinihingi ni ate.

GAYA

GEORGE CLOONEY

KAHIT

KAPAG

KAYA

LAHAT

MINSAN

RICHARD GERE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with