Last part
Ito ay huling bahagi ng paksa kung paano mo i-ma-manage ang iyong sarili sa oras na nakakaramdam ng stress. Narito pa ang ilang tips:
Makipag-‘high-five’ – Ayon sa mga eksperto, ang physical contact sa kapwa ay nakakapagpataas ng oxytocin, kaya nga isa ang sex sa nakakapagpawala ng stress, kaya lang hindi naman kailangan, sex lagi ang gamot sa stress hindi ba? Pwede rin ang pakikipag-high-5. Kaya kung stress, makipagkuwentuhan ng kaunti at gawin ito sa iyong kaibigan at presto! Tanggal ang stress.
Magpamasahe – Ang kaunting masahe sa iyong likuran o ang simpleng pagtapik sa iyong balikat ay isang malaking bagay para mawala ang iyong stress. Kaya kung stress ka, maglambing sa iyong pinakamalapit na kaibigan at saka magpamasahe ng kaunti.
Mag-ehersisyo – Kung may problemang emosyunal, bakit hindi mo daanin sa ehersisyo. Dito ay gaganda ang iyong pakiramdam at tiyak na mawawala ang stress.
Memories – Maganda rin pantanggal ng stress ang pag-aalala ng magagandang karanasan. Maglakad-lakad sa park, magpahangin at saka maupo ng kaunti. Sa simpleng paraan ay magkakaroon ng magandang pakiramdam.