Dapat na maging maingat sa pag-aayos ng kusina dahil kayamanan at kalusugan ng pamilya ang kinakatawan nito.
Huwag pagtatapatin o pagtatabihin ang lababo at stove. Ang tubig (lababo) at apoy (stove) ay magkakontra kaya dapat lang na magkalayo ang mga ito sa isa’t isa.
Hayaan laging puno ng pagkain ang refrigerator dahil kasaganaan ang ibig sabihin nito. Itapon o ipakain na sa mga hayop ang mga tirang pagkain sa refrigerator.
Huwag ilalagay ang stove sa mga sumusunod: Tapat ng bintana; tapat ng toilet; tapat ng pinto ng kusina; sa sulok ng kusina; sa gitna ng refrigerator at lababo; sa ilalim ng overhead beam; sa tapat ng “protruding corner”; gitna ng kabahayan.
Hindi masuwerte ang pagsasabit ng pagkain sa bandang gitna ng kisame sa kusina.
Dapat na gumagana ang lahat ng burner sa stove. Ipaayos ang may sira. Halinhinang gamitin ang lahat ng burner.
Huwag maglalagay ng stove sa northwest direction.
Masuwerteng ilagay ang stove sa east, southeast, southwest, at northeast.
Itapon ang mga kagamitang may basag na gaano man ito kaliit, kagaya ng tasa, pinggan, baso, jar, etc.