Dear Vanezza,
May nakilala po ako sa Facebook. Ini-add ko kasi lahat ng mga kaapelyido ko at doon kami nagsimulang maging malapit sa isa’t isa. Hindi naman kami magkamag-anak at nang mga panahon na aktibo kami sa FB ay pareho kaming committed sa iba. We share a lot of stories sa aming buhay pag-ibig. Naging outlet namin at the same time nakita namin ang comfort ng bawat isa in times of difficulties. Hanggang sa na-in love na kami sa isa’t isa. Ang problema po, natatakot siya na malaman ng pamilya niya ang relasyon namin at paghiwalayin kami. Ano po ang dapat naming gawin? Puwede bang magpakasal ang pareho ang apelyido? Salamat po sa advice. - Nero
Dear Nero,
Maraming magkakapareho ng apelyido pero hindi naman magkamag-anak. Walang hadlang basta hindi kayo closely related sa dugo. Ang importante lang ay ‘yung nag-iibigan kayo nang tunay at walang ibang commitment sa inyong mga personal na buhay. Pero pakatiyakin ninyo rin ang inyong sarili dahil sa FB lang kayo nagkatagpo at baka hindi pa ninyo lubos na nakikilala ang bawat isa. Isa pa, try to exert more efforts in knowing each other at baka magkamag-anak nga kayo.
Sumasaiyo,
Vanezza