…ang isang parte ng katawan nang walang dahilan:
Ulo—good luck
Kaliwang tenga o pisngi—may pumupuri sa iyo
Kanang tenga o pisngi—may naninira sa iyo o nagbibintang
Kaliwang mata—gulo o kabiguan
Kanang mata—may makikilala kang opposite sex
Loob ng ilong—bad luck
Labas ng ilong—kaguluhan o away
Bibig—may mang-iinsulto sa iyo o ikaw ang mang-iinsulto
Baba—may darating pera
Leeg—magkakasakit ka
Batok—kabiguan
Kaliwang balikat—kalungkutan
Kanang balikat—may tatanggaping mana
Kaliwang siko—masamang balita
Kanang siko—magandang balita
Kaliwang palad o kaliwang bukong-bukong (ankle)—may pagkakagastusan
Kanang palad o kanang bukong-bukong—magkakapera
Balakang—maglalakbay
Kaliwang tuhod—pag-aaksaya ng oras o pakikipagtsismisan
Kanang tuhod—magandang balita
Kaliwang paa—walang kuwentang paglalakbay
Kanang paa—tagumpay at kapakipakinabang na paglalakbay