Ang sintomas ng pagkabaog sa kalalakihan ay maaaring ay hindi malinaw. Malalaman lamang ito kapag ang lalaki ay sinubukan ng magkaanak.
Maaaring ang sintomas ay depende sa sanhin ng pagkabaog. Katulad ng:
Pagbabago sa pagtubo ng buhok
Pagbabago ng gana sa pakikipag talik
Kirot, bukol, at pamamaga ng itlog
Problema sa erections at ejaculation
Maliit at matigas na itlog
Kailan dapat kumunsulta sa doctor?
Kapag ang edad ay nasa 35 sinusubukang magkaanak pero hindi magkaroon. Kapag si ate naman ay nasa 35 o mas mataas pa at nasinusubukang magbuntis saloob ng anim na buwan pero hindi mabuntis-buntis.
Ang pagsusuri sa dugo, ihi at imaging tests ay maaaring gawin kapag may prolema sa pagbubuntis. Ginagawa rin ang sperm analysis para suriin ang sperm count at overall health ng sperm ni kuya.
Maaaring mag-refer ang doctor ng reproductive endocrinologist. Isa itong spesyalista sa infertility o pagkabaog. Maaaring magtanong dito tungkol sa sintomas ng pagkabaog at medical history.