Kung nakakatanggap lagi ng komplimento….

Maraming tao ang hindi alam kung paano niya pupurihin ang kanyang kapwa pero, mas marami ang hindi alam kung paano tatanggap ng “compliment” o magandang komento sa kanya mula sa kanyang kapwa. Narito ang ilang paraan kung paano ang tamang paraan sa pagtanggap ng “compliment”.

Piliting alisin ang hiyang nararamdaman – Minsan, kapag ikaw ay nahihiya, hindi ka makatingin sa mata ng iyong kausap, pinipilit mong iiwas ang iyong mga mata sa paningin niya, pero hindi ito tama dahil pagpapakita ito ng kawalan ng respeto. Kaya dapat mong alisin ang iyong hiya at tingnan siya sa mata at magpasalamat. Sa pamamagitan nito ay matutuwa ang taong pumupuri sa’yo dahil naipapakita mong naa-“appreciate” mo ang kanyang komplimento.

Magbigay ng magandang komento – Hangga’t maaari ay ibalik ang “compliment” sa taong nagbigay sa’yo nito. Piliting humanap ng magandang “asset” ng taong ito para lang mapuri mo din siya. Ang pinakamadaling pagtanggap ng compliment ay ang pagbibigay din nito sa kapwa. Maaari mo naman itong gawing simple at totoo sa iyong sarili.

Ang magandang panimula ng araw ay ang pagbibigay ng compliment sa iba. Hindi lang magiging maganda ito sa iyong kapwa kundi maging sa’yo. Ang tamang pagtanggap ng “compliment” ay nagbibigay indikasyon din na mayroon kang mataas na paniniwala o kumpiyansa sa iyong sarili.

Iwasan ang maging mayabang – Bagama’t araw-araw ay nakakatanggap ng komplimento, hindi ito dapat maging daan upang masyadong iangat ang sarili at maging mayabang. Hindi rin ito lisensiya para ikumpara mo ang mga magaganda mong katangian sa iba. Tandaan, ang nagpapakumbaba ay itinataas at ang nagpapakataas ay ibinababa. Kaya mas mabuting palaging maging “humble” anuman ang uri ng komplimentong natatanggap mo. Kailangan mo rin itong ipagpasalamat sa Dios, dahil maraming natutuwa sa’yo.

Show comments