Para hindi ma-‘burnout’

Ito ay karugtong ng paksa kung paano maiiwasan ng mga babae na ma-burnout sa iba’t iba nilang role sa buhay gaya ng pagiging nanay at asawa sa kanilang pamilya. Narito pa ang ilang tips:

Kapag kailangan mo ng “break” mula sa pag-aalaga sa mga bata -  Minsan, kahit gusto mong sumigaw ng “break!” sa pagiging ina at ipasa muna ang pag-aalaga ng iyong mga anak sa iyong mister ay hindi mo pa rin magawa. Naiisip mo  kasi kung magiging maayos ba ang pag-aalaga ni mister sa mga bata, kung hindi ba mag-aaway-away ang mga bata etc. Kaya lang dahil sa dapat ay magkatuwang kayong dalawa sa lahat ng bagay, dapat ay napapaalala mo rin ang mga ito sa kanya. Kaya sa susunod na feel mong mag-day-off sa pagiging mommy, magpaalam lang ng maayos kay daddy para maipagpaliban din muna niya ang kanyang gagawin  at makapag-enjoy ka rin.

Kapag mayroong away – Matapos ang matinding argumento sa pagitan ninyong dalawa ni kuya, minsan mahirap maibalik sa normal na kalagayan ang inyong pagsasama. Sa oras na magkaayos ay hindi na dapat pang halukayin ang mga bagay na pinag-awayan noon dahil hindi naman ito makakatulong sa pangkasalukuyang problema kundi makakadagdag pa nga. Kapag nagkakainisan, maglayo muna kahit sa loob ng dalawang oras. Sa panahong ito ay maaaring mag-window shopping, kumain ng ice cream o anuman na maaaring makapagpasaya sa’yo.

Kapag mababa ang iyong libido – Kung sa mga nagdaang araw ay tila walang atraksiyon sa pagitan ng iyong partner, bakit hindi sabihin ito sa kanya. Posibleng ang kawalan ng atraksiyon ay bunsod ito inyong  pag-aaway. Maaari rin ayain siya na mag-out-of-town para magkaroon ng mas intimate na panahon sa isa’t isa. Minsan kasi, kailangan ng  isang couple na lumayo sa kanilang routine upang mkapag-focus sa bawat isa.

Show comments