Mga bagay ukol sa orgasm (2)

Narito ang isa pang bagay na dapat nating malaman ukol sa orgasm.

2.  Ang paggamit ng condom ay hindi nakakaapekto sa kalidad ng orgasm. May condom man o wala, makakapag-orgasm pa rin ang mga babae. Marami ang nag-iisip na kapag gumamit ng condom, may epekto ito sa mga babae.

Sinasabing hindi raw makakapag-orgasm ang mga babae kapag may condom.

 “Women are equally likely to experience orgasm with or without a condom, dispelling myths that condoms don’t make for good sex,” sabi ni Debby Herbenick, PhD, research scientist sa Indiana University at ang may akda ng Because It Feels Good

Sa katunayan, mas matagal pa ang pagse-sex dahil hindi kailangang magmadali ang lalaki na hugutin ang kanyang kargada kung nag-aalala siyang mag-e-ejaculate siya ng maaga.

Kung ayaw gumamit  ng condom dahil nababawasan ang sensation, ikonsidera ang manual stimulation muna bago ang intercourse para mas mag-enjoy.

Show comments