Binuhusan ng ihi!

Panaginip: Nasa bedroom ako ng aking boyfriend pero wala siya. Naiihi ako pero walang toilet sa kanyang kuwarto kaya kinuha ko ang isang rubber bag at doon ako umihi. Nakita kong may nakakalat na panty sa kuwarto. Kumatok ang aking boyfirend. Binuksan ko ang pinto at ibinuhos ang aking ihi sa kanya. Tapos sumigaw ako ng “Taksil”. Sa totoong buhay ay break na kami ng lalaking iyon and we are not in good terms.---Tricia

Interpretation: Ang bag of urine ay perang naipon mo. Ang pagbukas ng pinto para sa iyong boyfriend ay indikasyon na binigyan mo siya ng pera. Ang ibig sabihin ng pagbuhos ng ihi sa boyfriend ay nagkagalit kayo dahil sa perang ibinigay mo sa kanya. Ang underwear sa panaginip ay new girlfriend. Nagkagalit kayo dahil sa pera at may new girl na siya.

 

Show comments