Pera at tabako
Panagimip: May bitbit akong supot na tela na puno ng barya. Plano kong ideposito ito sa bangko. Pagdating sa bangko ay binati ako ng teller na may pera raw akong dumating kaya inilagay nila ito sa wooden box. Itinuro sa akin ang sinasabing wooden box—box pala ng tabako. May kasamang tabako ang pera sa kahon. Iniisip ko kung sino ang nagpadala sa akin ng perang nasa kahon ng tabako at bakit doon inilagay? Ano po kaya ang ibig sabihin ng panaginip?---RES
Interpretation: Ang supot na puno ng barya ay nagsasaad na makakatanggap ka ng maraming pera.
Ang pera na nasa kahon ay nagsasaad na parating na ang pera sa iyo.
Ang tabako kapag sinindihan ay may usok. Ang ibig sabihin nito ay problema.
Maaaring magkaproblema ka dulot ng perang matatanggap mo.
- Latest