ALAM N’YO BA?

Alam n’yo ba na maraming nakukuhang benepisyo sa lansones? Ang dahon at balat ng prutas na ito ay maaaring pakuluan at gawing gamot sa disinterya habang ang  balat ng kahoy ay puwede naman gawing pangontra sa kagat ng alakdan. Maging ang dagta nito ay may pakinabang din at maaaring gamot sa kabag, pamamaga at pampatigil ng hilab o pasma. Ginagamit naman pampurga ang dinurog na buto nito. Pangontra naman sa lamok ang tuyong dahon ng lansones, sunugin lang ito at presto! May instant mosquito repellant na kayo. Ang dagta rin nito ay ginagamit bilang lason na inilalagay sa mga palaso. At higit sa lahat, ang laman ng lansones ay maaaring ga­wing kendi. Ang puno ng lansones ay karaniwang may taas na 4-15 metro at ang dahon ay may haba naman na 20-30 sentimetro.

Show comments