Madalas bang kumakabog ang dibdib mo? Pinagpapawisan nang malamig, at kinakapos ang hininga? Baka ikaw ay may anxiety disorder. Ang anxiety, o pagkabalisa, ay mailalarawan na pagkakaroon ng nerbiyos o pag-aalala. Halimbawa, ninerbiyos ka na ba nang makakita ka ng isang ahas sa harap mo? Ano ang nangyari nang umalis na ito? Nawala na rin ang kaba at nerbiyos mo, hindi ba? Pero ano ang tinatawag na anxiety disorder? Kapag lumala ang pagkabalisa at hindi ito naaalis kahit wala nang dahilan, maaari itong maging sakit. Ayon sa U.S. National Institute of Mental Health (NIMH), ang anxiety disorder ay nararanasan ng 40 milyong Amerikano na may edad 18 pataas , taun-taon. Ang matagalang pagkabalisa ay maaaring magdulot ng malulubhang problema.
Bukod diyan, maaari rin nitong maapektuhan ating pamilya. May mga epektibong therapy para sa mga may anxiety disorder at may natutuklasang mga bagong paraan ng paggamot na makatutulong sa may anxiety disorder upang maging normal ang pamumuhay. Ang pinakamabisang paraan na maaaring makatulong sa may sakit nito ay ang pakalinga ng pamilya at mga kaibigan upang lubusan ang paggaling sa sakit na ito.
Mga gabay na maaaring makatulong sa pasÂyenteng mayroong Anxiety Disorder:
Suporta at pang-unawa ng pamilya at ng mga kaibigan - Ang anxiety disorder ay kadalasang takót na baka hindi sila maintindihan ng iba kaya hindi na lang nila sinasabi ang kanilang problema. Pero posibleng maging dahilan ito para makonsensiya sila, na lalo lang magpapalala sa nadarama nila. Kaya naman napakahalaga ang suporta ng mga kapamilya at kaibigan. (Itutuloy)