Naging man-hater nang lokohin ng bf
Dear Vanezza,
Ako si Lany, 27 at dalaga pa rin hanggang ngayon. Para kasi akong naging man-hater simula nang lokohin ako ng lalaking minahal ko nang tapat. Ang matamis na pag-ibig ay napalitan ng pagkasuklam matapos niya akong lokohin. Gustuhin ko man na umibig muli, tumututol na ang puso ko. Tingin ko kasi sa mga lalaki ay pare-pareho, mga mapagsamantala. Matapos makuha ang gusto nila sa babae, ida-drop ka na lang like a hot potato. Nagtiwala ako sa ipinangako niyang pakakasalan ako. Pero ng magsawa na siya sa akin nilayuan na niya ako ng walang paalam. Nabalitaan ko na lang na may asawa na pala siya. Mula noon hindi na ako umibig pa. Ngayon may nanliligaw sa akin at parang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Pinipigilan ko ang aking sarili at baka masira ang sumpa kong huwag nang iibig pa. Anong gagawin ko?
Dear Lany,
Bakit naman isusumpa mo ang lahat ng lalaki dahil lang sa isang kabiguan? Hindi lahat ng lalaki ay mapagsamantala.
May pagkukulang ka rin dahil nagpaubaya ka. Huwag kang matakot umibig muli. Maraming lalaking matalino na kapag “nakatuka†ay parang manok na tatakbuhan ka na. Kilalanin mong mabuti ang manliligaw mo. Kung sa palagay mo ay mabuti at tapat ang kanyang hangarin sa’yo, walang masama kung tanggapin mo ang kanyang pag-ibig.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest