Para sa mahimbing na pagtulog

1--Iwasang umulo sa bintana ng kuwarto at pintuan. Ngunit huwag din pumuwesto na ang paa ay nakaturo sa pintuan.

2--Huwag magdidispley ng larawan ng ilog, dagat o anumang may tubig dahil nagiging dahilan ito ng insomia.

3--Itsek kung may poison arrow na nakaturo sa inyong kuwarto. Makakasu­gat ito sa good energy na matatapatan at iba’t ibang kamalasan ang dulot.

4--Saan makakakita ng poison arrow? Sa loob at labas ng bahay. Dumu­ngaw ka sa bintana. Ang kanto ba ng bubong  ng inyong katapat-bahay ay sa iyong bedroom nakaturo? May gate ba sila na ang design ay parang  dulo ng  arrow at pagkatapos ay nakabaluktot ito at nakaturo sa inyong bahay?

5--Ang poison arrow sa loob ng bedroom ay matatagpuan sa kanto ng mesa at kanto ng posteng kuwadrado. Kaya mas mainam na ang table na gamitin ay bilog para walang kanto, suwerte pa ang hatid nito.

6--Takpan ang kanto ng poste sa pamamagitan ng paglalagay ng halaman dito. Kung kanto ng mesa ang pinanggagalingan, ilipat na lang ito sa paraang wala itong matatamaan. Bagua naman ang pangontra sa poison arrow na nagmumula sa labas ng bahay.

               

 

 

Show comments