Last part
Ang bawang, sili, luya, turmeric at coriander ay maaaring makatulong sa ating panunaw at makapagpataas ng resistensya.
Damit - Gumamit ng mga damit na yari sa cotton at maluluwag na damit at lagyan ng talcum powder na anti-fungal ang bahagi ng ating katawan na prone sa fungal infections.
Iwasang gumamit ng maong dahil ito ay hindi madaling matuyo. Ang cotton ay skin friendly kaya mainam itong gamitin ngayong tag-ulan. Sa mga taong may diabetes kailanagan ng ibayong pag-iingat ngayong tag-ulan. Iwasang maglakad ng nakayapak at gumamit ng mga basang sapatos dahil ito ay maaaring maging sanhi ng sugat at pamamaho ng paa.
Pag-iingat - Ang naiwang tubig pagkatapos ng baha ay maaaring breeding ng mga lamok. Alisin ang tubig sa lumang gulong, plorera at mga lata. Protektahan ang sarili sa mga lamok gamit ang insect repellant, creams at kulambo kapag nakatira malapit sa stagnant water.