“ARNELO, puwede pang magtanong habang naghihintay pa kami ni Socrates ng saktong oras?†Kausap ni Paula ang maamong multo ng seminarista.
“Sige po,†sagot nito. Alam na agad ang isasagot sa magandang misis.
“Ilan kaya ang bilang ng napakaraming perang nakuha namin?â€
“2 Million One Hundred thousand and ninety pesos po.â€
“Wow! Higit pa pala sa doble ng mapapanalunan namin kay Caluycoy!†sabi ni Paula.
Si Socrates ay nabigla rin sa rami ng kanilang natagpuang pera. “Meron na nga kaming kinabukasan ng dalawang kids namin, Arnelo.â€
“Pinagpala po kayo ng Panginoon. Si Emil Caluycoy po ay sa kalaban sumasamba,†dagdag na impormasyon ng multo.
“Bakit pala hindi na kami ginugulo ng mga mapanligalig na multo, Arnelo? Kung kailan inaasahan namin ang final showdown.â€
“Sir Socratres, nakinig po sila sa aking pakiusap. Hindi kayo dapat takutin. You are good people.â€
“Kuwan, ikaw, napakabait mo…bakit narito ka pa sa Lupa?†tanong ni Paula.
“Dahil po nakagawa ako ng kasalanang mortal, bago ako namatay. PinagÂlilinis pa po ako ng kaluluwa…†malungkot na sabi ni Arnelo.
Nagkatinginan sina Socrates at Paula. Marami silang malalaking paglabag sa utos ng Diyos. Kapag pala sila namatay nang biglaan, matutulad sila kay Arnelo. Mananatili sa Lupa, naghahanap ng kapayapaang nasa Langit.
NAKABALIK na si Emil Caluycoy sa bahay, nanginginig pa rin sa takot. Hindi niya ma-imagine ang nangyari sa kanya sa asylum. Sa halip mabaril niya si Socrates ay siya pa ang muntik mapatay ng sariling baril.
“Gago ang mga multong ‘yon, hindi nakakakilala ng amo! Ako ang bagong owner ng asylum, dapat nila akong nirespeto!†Nagsasalita sa sarili ang milyonaryo, buwisit na buwisit.
Ilang minuto na lang at kumpleto na ang 24 oras ng 1-Million Peso challenge niya.
Ramdam niyang lalabas sa asylum sina Paula at mister sa saktong sandali, idedeklara ng supervisor na official winners. (ABANGAN)