Sa panahon ngayon ang pada-diet ay isang mabilis, popular at madaling paraan na pagbabawas ng timbang. Maraming paraaan ng pagbabawas timbang na mas healthy at ligtas kaysa gutumin ang sarili. Maaaring mabawasan ang timbang depende sa pagsusumikap ng isang tao na bumaba ang timbang. Ang pagkadespirado na mapababa ang timbang ay nagreresulta sa mabilisan ngunit maling pagda-diet na sanhi ng iba’t ibang side effect na lubos na mapanganib sa kalusugan ng isang tao.
Panganib ng pagda-diet upang mapababa ang timbang:
1. Ang pagbaba ng timbang dulot ng sobrang pagda-diet ay maaaring maging sanhi ng dehydration at electrolytic imbalances, na maaaring magresulta ng pananakit ng ulo at pagsusuka.
2. Maaaring magpabagal sa metabolismo na magreresulta sa mabagal na pagsunog ng calories at nakaimbak na taba.
3. Pagkawala ng muscle dahil sa mababang suplay ng protein, na maaaring maging resulta ng panghihina ng mga muscle.
4. Malnutrition ay isa rin sa maaaring maÂging sanhi ng maling pagda-diet. Ang kakulangan sa nutrients ay magreresulta ng malnutrisyon. Makaka-ranas ng hindi magandang pakiramdam katulad ng fatigue, pagkairitable, sobrang gutom at labis na pananabik sa pagkain.
5. Maaaring maging walang habas sa pagkain pagkatapos ng sobrang pag-diet na nagreresulta ng pagtaas ng fat dahil sa pagbagal ng metabolismo.
6. Maraming tao ang gumagamit ng appetite suppressant o pampawala ng ganang kumain ngunit maaari itong sanhi ng hindi magandang side effects. Ang appetite suppressant ay puwedeng magresuta high blood pressure.
7. Maaari ring maging sanhi ng problem sa pagtulog ang sobrang pagda-diet. Ang kakulangan sa pagtulog ay nagreresulta ng hormonal imbalance at pagtaas ng taba sa bahagi ng tiyan.