Alam n’yo ba na nauso na ang pagsusuot ng headband noon pang 475 BC-330BC? Sinusuot ng mga Greeks at Romans ang headband sa mga espesyal na okasyon at importanteng events. Noong 20th century, ang mga malalapad na headbands ay kilala rin sa tawag na headache bands na naging popular sa mga kababaihan. Naniniwala kasi sila na ang pagsusuot nito ay makakatulong para maiwasan ang pagsakit ng ulo at isa ito sa kanilang gamot. Sa French ang tawag dito ay “bandeau†o “bandeaux†kung madami. Sa Japanese culture, ang “Hachimaki headband†ay sumisimbolo ng determinasyon at debosyon. Sa Korea, ang mga sundalo rito ay nagsusuot ng “Hwarangâ€, isa itong espesyal na headband na idinisenyo para sa mga mandirigma para hindi magulo ang kanilang buhok habang nakikipaglaban. Pero sa totoo lang military tactic ito para hindi mapunta sa kanilang mata ang buhok at hindi maging sagabal sa pakikidigma.