^

Para Malibang

Pangit ang tingin sa sarili

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Ems, 40, dalaga at ni minsan ay hindi nagkaroon ng bf dahil walang nanligaw sa akin. Pangit po kasi ako. Sino ba ang magkakagusto sa tulad kong payat, banlag, mapeklat, madaming tagihawat at maitim. Sa kabila nito ay nag-aral akong mabuti at naka-graduate ng Business Administration at na isa akong matagumpay na negosyante ngayon at engaged sa real estate business. Ang pinaka inspirasyon ko na lang ay ang pamangkin kong lalaki na 8 years old. Ako ang nagpapaaral sa kanya. Namatay na ang kanyang mga magulang 2 years ago. Sa kabila nito, pakiramdam ko’y malungkot ang buhay ko. May pera nga pero pagdating sa lovelife ay zero. Kaya siguro masungit ako at ayaw kong makipagkaibigan. Kung minsan tuloy naiisip kong magpakamatay pero naaawa ako sa pamangkin ko na maiiwan. Ano ang maipapayo mo sa akin?

Dear Ems,

Ang dapat mong gawin ay ipagpatuloy ang buhay. Kulang ka man sa kagandahang panlabas, sobra-sobra naman ang blessings mo sa Dios. Iyan ay dapat mong ipagpasalamat. Tandaan mo na walang pangit na ginawa ang Dios. Ang kapangitan ay nasa paningin lang ng taong mapanghusga. Ang panlabas na itsura ay kumukupas pero ang kagandahan ng loob ay tataglayin ng isang tao hanggang kamatayan. At kahit namatay na ang isang mabuting tao, ang  magagandang alaala niya’y hindi mabubura sa isip ng mga taong tinulungan niya. Hindi lang sa romantic love nabubuhay ang tao. Pinakamasarap na pag-ibig yung tumutulong ka sa kapwa at ina-appreciate ang ginagawa mo para sa kanila. Huwag kang maging masungit at makikita mo, gaganda ang paningin ng tao sa iyo at malay mo, makatagpo ka ng lalaking iibigin mo at magmamahal sa’yo.

Sumasaiyo,

Vanezza

ANO

BUSINESS ADMINISTRATION

DEAR EMS

DEAR VANEZZA

DIOS

HUWAG

IYAN

KAYA

NAMATAY

PANGIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with