Dear Vanezza,
Namomroblema ako sa aking mister na nagdulot ng lahat ng aking paghihirap at pagsasakripisyo. Minsan ay sinasaktan niya ako at pinagsasalitaan ng hindi maganda at pinapahiya sa maraming tao. Ten years na kaming kasal at may 2 anak. Mas malaki ang suweldo ko sa kanya at siya naman ay mekaniko lang at nakukuha pang magbisyo. Kaya naman puro ako ang naglalabas ng pera para sa amin ng mga anak ko. Naiinis ang mga magulang ko sa kanya dahil sa kanyang ugali. Kaya pinapayuhan nila ako na hiwalayan ko na siya. Pero naiisip ko na sayang ang pinagsamahan namin ng matagal na panahon kung sa hiwalayan lang mauuwi ang lahat. Pero sa isang banda, sinasabi ng isip ko na masama siyang asawa. Ayoko rin namang maging broken family kami, pero ayaw ko rin naman habang buhay magsakripisyo dahil sa araw-araw na pag-aaway namin. Sana mapayuhan mo ako. - Armi
Dear Armi,
Sa ilalim ng batas, ang paggamit ng droga at pananakit ay ground para mapawalang bisa ang kasal. Pero kung kaya pang ma-save ang marriage gaya ng nais mo, mabuting kausapin mo siya tungkol sa kanyang ugali. Hindi ka dapat magsawalang kibo lalo’t kapakanan ng inyong mga anak ang nakasalalay. Baka may problema siya na dinadaan sa bisÂyo at ikaw ang napagbubuntunan. Alamin mo ang dahilan ng kanyang “pagwawalaâ€. Sa maayos na pag-uusap ay magreresulta ng magandang solusyon sa problema.
Sumasaiyo,
Vanezza