Alam n’yo ba na ang pinakamalakas na paghangin ay naranasan sa Mount Washington, New Hampshire noong Abril 12,1934? May lakas itong 231 mph. Tinatamaan naman 1,000 beses ng kidlat ang planetang Earth. Apat na beses na mainit ang kidlat kumpara sa init ng araw. Ang mga windmills ay umiikot ng counter-clockwise, maliban lang sa Ireland. Ang pinakamabilis na ibon ay ang peregrine falcon. Nakakalipad ito ng 168-217 mph. Ang Angel Falls sa Venezuela ay 20 beses na mas mataas kaysa sa Niagara falls. Ang pinakamaliit na aso na naitala ay isang Yorkie na apat na pulgada lang ang taas habang ang pinakamalaking aso naman ay may timbang na 344 libra ang bigat.