‘Erythema multiforme’? Last Part

Gamutan sa malubhang sintomas katulad ng:

• Antibiotics para sa impeksyon sa balat.

• Corticosteroids para makontrol ang pamamaga

• Intensive care o burn care unit para sa malub­hang kaso, Stevens-Johnson syndrome, at toxic epidermal necrolysis.

• Paggamit ng intravenous immunoglobulins (IVIG).

Mga posibleng komplikasyon

• Pagkawala ng fluids (shock)

Sugat sa internal organs na maaaring maging sanhi ng:

• Pamamaga ng puso (myocarditis)

• Pamamaga ng baga (pneumonitis)

• Pamamaga ng kidney (nephritis)

• Pamamaga ng atay (hepatitis)

• Permanenteng pinsala sa balat at peklat

• Impeksyon sa balat (cellulitis)

Ang tamang  hygiene at pag-iwas sa ibang tao ay maaaring makapigil sa secondary infections. Maaa­ring gumaling sa sakit na ito 2 hanggang 6 na linggo na maaaring magpabalik-balik. May mga malulubhang kaso na mahirap gamutin katulad ng Stevens-Johnson syndrome at toxic epidermal necrolysis na may mataas na porsiyento ng mortality.

Show comments