Nabuntis ng iba

Dear Vanezza,

Tatlong taon na kaming kasal ng aking asawa. Wala pa kaming anak kahit hindi naman kami nagko-control. Nagsimula ang problema ko nang aksidente kaming magkita ng ex-bf ko sa isang mall. Naramdaman kong may feelings pa rin ako sa kanya. Niyaya niya akong kumain at pinagbigyan ko siya. Nanood kami ng sine at ewan ko kung bakit hindi ako nakatanggi sa yaya niya. Ginawa namin sa sinehan ang dati naming ginagawa at tuluyan na akong nawala sa aking sarili. Pagkatapos magsine, nagtuloy kami sa isang motel. Nagbunga ang isang gabing kataksilan. Nabuntis ako at nang malaman ng asawa ko ay tuwang-tuwa siya. Naisilang ko ang sanggol na ngayo’y dalawang buwan na. Paniwala ang mister ko na anak niya iyon. Kaya lang, binabagabag ako ng aking konsensiya. Sasabihin ko ba sa aking asawa ang totoo? - Aries

Dear Aries,

Kung mananatiling lihim ang bagay na iyan, talagang mababagabag ka ng iyong konsensiya dahil niloko mo ang iyong asawa. Pero kung ipagtatapat mo sa kanya ang totoo maaaring maglubag ang pasanin mo sa dibdib subalit may mabigat na consequence o ibubunga ito. Maaaring magwala ang iyong mister at hindi natin matantiya kung ano ang gagawin niya sa’yo. Kung gusto mong magtapat sa kanya, gawin mo ito sa unti-unting paraan para maihanda niya ang kanyang sarili. Alam kong magiging masakit para sa kanya ang malaman ang totoo pero iyan lang ang paraan para mawala ang sumbat ng iyong budhi. Ipakita mo sa kanya ang taos mong pagsisisi.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments