Alam n’yo ba na ang Independence Day o Araw ng Kalayaan ay unang iprinoklama nong Hunyo 12, 1898 sa pagitan ng alas-4 at alas-5 ng hapon sa Cavite sa lumang bahay ni GeneÂral Emilio Aguinaldo. Dito iwinagayway ang bandila ng bansa na ginawa nina Marcela AÂgoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza mula pa sa Hongkong. Ang Lupang Hinirang ay unang inawit naman ng Marcha Filipina Magdalo sa komposisyon ni Julian Felipe. Si Ambrosio Rianzares Bautista naman ang bumasa ng batas na nagdedeklara ng kalaÂyaan ng Pilipinas sa lengguwaherng Espanyol. Ang nasabing deklarasyon ay nilagdaan ng 98-katao kabilang dito ang mga sundalong Amerikano. Ngunit dahil sa pagkakaroon ng giyera sa pagitan ng mga Amerikano at Espanyol ay naapektuhan ang kalayaan ng Pilipinas at naibalik lang muli ito ng Estados Unidos matapos ang World War II noong Hulyo 4 ,1946 sa pamamagitan ng “Treaty of Manilaâ€. Subalit pormal na idineklara ni dating pangulong Diosdado Macapagal ang Republic Act No. 4166 na nag-aatas na Hunyo 12 dapat ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan.