Noong hindi pa naiimbento ang kandila, lampara ang ginagamit sa mga templo at simbahan. Sa Egypt unang naimbento ang kandila noong 3000 B.C.E. Karamihan sa mga relihiyon ay tinatanggap ang nakaugaliang pagsisindi ng kandila habang nagdadasal. Ang pagsisindi ng kandila ay tinatawag na “act of devotionâ€. Ang debosyon na ito ay isa sa maraming paraan upang maabot ang Panginoong Diyos.
Mas effective kung papahiran ng oil (olive oil o pangkaniwang vegetable oil na bagong bili) ang bagong biling kandila bago sindihan. Habang hinahaplos ng iyong kamay ang kandila, dapat ay nilalaro mo sa isip ang iyong wish.
Kung ang kahilingan mo ay makamit ang isang bagay, ang pagkuskos ng kandila ay clockwise (gaya ng pag-ikot ng relo). Ngunit kung ang kahilingan ay mawala ang isang bagay—halimbawa, mawala ang masamang ugali ng mahal sa buhay—counter clockwise ang direksyon ng pagkuskos. Kabaliktaran ng clockwise. Ano ang nagagawa ng paggamit ng kandila habang nagdadasal?
Ang kandila ay simbolo mismo ng panalangin.
Ang kandilang may sindi ay tumutulong upang maipokus ng isang nagdadasal ang kanyang isipan sa kanyang kahilingan.
Kung nakapokus ka sa iyong dinadasal, tumatagos hanggang puso ang iyong pagdalangin. Ang damdaming ito ang tumutulong para magkaroon ng katuparan ang iyong kahilingan.