Panahon ng pagtitipid (1)
Pasukan na naman ng mga estudyante sa paaralan. Kaya naman maraming mga magulang ang dumadaing ng sobrang gastos na kanilang nararanasan. Lalo pa kung mayroon kang 3 hanggang anim na anak o mas higit pa. Tiyak na matutulala ka sa laki ng ibabayad mong matrikula at sa rami ng gamit pang-eskuwelahan na dapat mong bilhin. Kaya naman sa ganitong panahon, dapat magtipid ang mga estudyante upang makatulong sa kanilang mga magulang. Narito ang ilang hakbang kung paano makakaipon ng pera:
Mabuhay ng naaayon sa iyong kinikita. Madali itong sabihin para sa iilan, ngunit mahirap magawa ng mas marami. Para magawa mo ito, kailangan mong makumbinsi ang iyong sarili na maliit pa sa ngayon ang iyong kinikita kaya dapat na mas maging maliit sa halagang ito ang iyong gastusin. Dapat na ikaw ay nakatuon lang sa mga bagay na iyong kailangan at hindi sa mga bagay na tinatawag na “kapritso†lang. Dapat rin iwasan ang masyadong mataas na “life styleâ€. Kung dati ay nakukuntento sa paggastos ng maliit na halaga, bakit kailangan mo itong baguhin at palakihin ang iyong gastos? Kung mayroong mga natatanggap na extra income, mas mabuting itabi ito at huwag hanapan ng walang kuwentang pagkakagastusan.
Gamitin lahat. May mga bagay na minsan ay nabibili mo ng doble-doble. Lalo na ang mga babae, kapag nasa mall, kahit ilan na ang lipstick o perfume sa loob ng kanyang bag ay bumibili pa rin kapag nakakita ng sale. Kapag naman nasa supermarket, kahit mayroon pang ibang item na pangkusina ay bibili pa rin. Dapat na iwasan mo ito, kung mayroon ka pang stock, gamitin muna ito at ang dapat na ipambibili ay itabi at i-save.
- Latest