“VINCENT, huwag mong ilihim sa akin ang hindi ko pa alam tungkol sa ghost train. Magkaibigan tayo.†Humalili ang insecurity kay Nenita.
“Kuwan, kung huwag mo kayang problemahin ang kamatayan? I mean, nagaganap iyon sa panahong hindi inaasahan, parang magnanakaw sa hatinggabi—kayhirap i-predict, Nenita,†paiwas na sagot ni Vincent.
“Huwag mong ilihis ang isyu. Ano nga ang dapat kong malaman?â€
“Nenita, ganito kasi, base sa relihiyong nakagisnan natin. Ang tao ay kinakategorya na banal o mabait, meaning maka-Diyos, o kaya ay masama o kampon ni Satanas…â€
Nakikinig si Nenita, lalong naguguluhan.
“Ang pangatlong kategorya ng tao ay ‘yung medyo masama na medyo mabait din naman…meaning tao lamang na natutukso rin pero gustong magbago; magbalik sa tamang daan…â€
“Tulad ng mga nagnanakaw sa pera ng bayan?â€
“Aba ewan ko, Nenita, kung gusto nilang magbago. Ang alam ko’y mamatay na sa kanila ang umamin. Puro walang kasalanan ang mga taong sangkot sa anomalya, ayon sa kanila.â€
“Vincent, ayokong manghula—saktohin mo ang ibig mong sabihin!â€
Napabuntunghininga si Vincent. “Okay, sa simpleng salita, ang ghost train ay si Kamatayan. Nangunguha ng kaluluwa para dalhin sa final destination, batay sa naging buhay nito sa mundo…â€
Nanlumo si Nenita, naunawaan ang ibig sabihin ni Vincent. “Hindi ko tiyak kung may madilim na nakaraan ang nanay ko…at kung meron hindi ko alam kung nagbalik-loob na siya sa Diyos. Hindi palasimba si Inay, hindi rin santa dahil mahilig magmura at magtsismis…â€
Napaluha si Nenita, naalala ang mga nagdaang ilang araw nilang mag-ina. “Nakarating na si Inay, kasama ako, sa mga bansang nais niyang marating bago mamatay. Paris, Venice, Madrid…
“Napaligaya ko si Inay, pero hindi na siya nag-aalala sa akin—na ako’y maiiwan niyang nag-iisa, posibleng ma-rape ng masasamang tao…naging selfish na si Inay…â€
Napalunok si Vincent.
“Posible palang kandidato sa purgatoryo si Inay.†ITUTULOY