‘One Night Stand’

Dear Vanezza,

Bago lang ako sa pinapasukan ko. Dito ko nakilala ang isang officemate. Kasama ako nang bigyan ng despedida ang isang kasamahan na mag-aabroad na at isinabay ang welcome party sa akin at sa isa pang officemate. Naging masaya ang gabi  at inabot ng madaling araw ang party. Palibhasa’y mga nakainom na ay may nangyari sa amin ng aking officemate. Hindi ko naman ito pinagsisisihan dahil una pa lang ay na-in-love na ako sa kanya. Ang problema ko ay bakit iniiwasan na niya ako. Nasasaktan ako dahil napamahal na siya ng husto sa akin. Ano po ang maipapayo ni’yo? - Bibet

Dear Bibet,

Iniiwasan ka niya dahil nakuha na niya ang gusto niya. May mga lalaking gusto lang makaisa sa babae. Kapag nakuha na ang pakay, gumagawa na ng dahilan para umiwas. Pero subukan mo siyang kausapin at makipaglinawan kung ano ba ang ini-expect mo matapos na may mangyari sa inyo. Pero hindi ka rin dapat umasa na after ng “one night stand” ay committed na siya. Binata siya o baka may gf kaya dumidistansiya? Kung patuloy s’yang iiwas, mabuting sarilinin mo na lang ang anumang damdamin mo para sa kanya. Ituring mo ring aral ang nangyari na pinag-iingatan dapat ang pagkababae at isinusuko lamang sa lalaking magiging kabiyak ng iyong puso.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments