NAMATAY nang maligaya si Dindi, tinanggap nang maluwag sa puso ang maikling buhay.
Sa memorial park, nakita ni Vincent ang pagsakay ng dalagita sa ghost train. Kumaway si Dindi at ngumiti kay Vincent.
Naunawaan ng binata na hindi na nagpapakita sa lahat ng tao ang nagmumultong tren.
Sa mga nakipaglibing at sa mga taong dumadalaw sa ibang puntod, isa man ay hindi naligalig; obvious na walang nakitang kababalaghan; hindi nakita ang ghost train..
“Vincent…â€
Napalingon ang binata sa may-ari ng pamilyar na tinig.
“Nenita.†Lihim na na-excite ang binata.
“Ngayon ko lang nabalitaan. Nakaalis na pala si Dindi…â€
“Sumakay siya sa ghost train, ako lang ang nakakita, Nenita.â€
Napalunok ang dalaga. Kasunod na bang mamamatay ang nanay niya? Ito na ba ang isusunod ng ghost train?
“A-ano ang itsura ni Dindi nang sumakay…?â€
“Good question, Nenita. Si Dindi ay nakangiti, kumaway pa sa akin.â€
Napaigtad ang dalaga. ‘Hindi siya mukhang naliligalig? Takot? Parang sinisilaban ng apoy?â€
Sincere ang sagot ni Vincent. “Nakangiti nga at kuntento, kumaway pa nga. I’m sure na heaven-bound siya, Nenita. Ang kaluluwa ni Dindi ay papunta na kay Lord.â€
Nabuhayan ng loob si Nenita. “Alam mo, Vincent, one-hundred percent akong naniniwala sa iyo. Natutuwa ako dahil kakampi pala ni Lord ang ghost train. Kapag kinuha pala ang nanay ko, ididiretso niya sa langit—kay Lord…â€
Napalunok si Vincent, nalimutan na ba ni Nenita ang tunay na role ng ghost train? Na ito’y walang iba kundi si Kamatayan?
Na ibig sabihin posibleng sa Langit mapupunta ang kaluluwa, posible ring sa Impiyerno o kaya’y sa Purgatoryo?
“Vincent, may nais ka bang sabihin?†Napansin ni Nenita na natitigilan ang binata. “Tungkol ba sa ghost train?†ITUTULOY