Halos lahat ay nakaranas na magkaroon ng “bad breathâ€. Ang pagkakaiba lang, ang iba ay mayroong malalang kaso nito. Siyempre, wala naman nagnanais na magkaroon ng mabahong hininga dahil tiyak na walang gustong makipag-usap sa’yo. Kaya upang maiwasan mo ito, narito ang ilang paraan:
Oral care - Iisa pa rin ang mahalagang gawin para maalis ang mabahong hininga. Ito ay ang pagsisipilyo. Importanteng masipilyo mo ang iyong ngipin kahit dalawang beses sa isang araw at gumamit ng floss para maalis ang mga tinga na naiwan saka magmumumog ng mouth wash.
Sipilyuhin ang dila – Karamihan sa atin ay kinakalimutan na linisin ang dila. Dito kasi bumabagsak ang lahat ng dumi at bacteria na naalis mo sa iyong ngipin. Kaya mahalagang linisin ito para magkaroon ng mabangong hininga.
Iwasang matuyo ang bibig – Napapansin mo ba kung kailan ka nagkakaroon ng mabahong hininga? Ito ay tuwing natutuyo ang iyong bibig. Kaya kung pakiramdam mo ay nagkukulang ka ng laway sa iyong bibig, agad na uminom tubig. Ang laway ay nagtataglay ng protective enzymes na pumapatay sa bacteria sa loob ng iyong bibig para hindi ka magkaroon ng bad breath. Kung nararamdaman mo naman na hindi naiibsan ng pag-inom ng tubig ang panunuyo ng iyong bibig, agad na kumonsulta sa doctor para maagapan ang anumang maaaring sakit na nais pumasok sa iyong bibig.
Uminom ng tea – Ayon sa Women’s Health, isa sa mga paraan upang maalis ang bad breath ay ang pag-inom ng tea o tsaa. Nagtataglay kasi ng polyphenols ang tea na siyang pumipigil sa pagdami ng bacteria sa bibig na nagiging sanhi ng bad breath.
Huwag manigarilyo – Bukod sa napakaraming sakit ang posibleng makuha mo sa paninigarilyo, maaari rin itong maging sanhi ng iyong bad breath. Isipin mo na lang ang mga nikotina at usok na pumapasok sa iyong bibig na siyang paboritong panatilian ng bacteria. Nakakatuyo rin ito ng bibig, kaya ang resulta, bad breath ka!