1 - Gumawa o bumili ng maliit na red flannel bag (kagaya ito ng red bag na nilalagyan ng maliit na imahen ni Santo Niño). Tapos dito ilagay ang mga sumusunod: 1) maliit na batong pinulot mo sa sementerÂyo. Pahiran ng olive oil. 2) maliit na papel kung saan isinulat mo ang halaga ng perang kailangang mapanalunan. 3) magnetic horseshoe 4) lodestone 5) nutmeg 6) kahit amulet sa sugal. Maghanap ka sa Quiapo. Patuluan ng 3 drops ng olive oil ang lahat ng nabanggit. Tahian ang opening ng red flannel bag. Dalhin ito tuwing magsusugal. Lagyan ng 3 drops olive oil ang red flannel bag tuwing ika-pitong araw.
2 - Kapag baraha ang ginagamit sa sugal, pasekretong maglagay ng pinatuyong puso ng paniki sa sleeve ng damit lalo na kung ikaw ang nagsha-shuffle ng cards.
3 - Pampasuwerte ang chamomile flower tea. Magpakulo ng isang kutsaritang tea sa isang basong tubig. Palamigin. Basain ng chamomile ang kamay bago magsugal.
Mga suwerteng araw ng pagsusugal:
Capricorn, Leo---Lunes
Cancer, Taurus—Martes
Pisces, Virgo—Miyerkules
Libra, Aries—Huwebes
Sagittarius, Aquarius—Biyernes
Scorpio, Gemini--Sabado