Dear Vanezza,
Ako po ay may edad na, pero virgin pa. Wala akong trabaho at dalaga pa. Nakapisan ako sa aking mga magulang na matatanda na rin at kapatid na bumubuhay sa amin. Minsan na akong umibig pero niloko lang ako ng nakarelasyon ko. Nagdahilan siya na makikipagkalas nang tumanggi akong makipag-sex sa kanya. Nabalitaan ko na nag-asawa na siya at masaya sa piling ng kanyang mga anak. Hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakapag-move on kahit mahigit tatlong taon na ang nakakaraan. Mabigat pa rin po ang nararamdaman ko at madalas po akong umiyak. - Missy
Dear Missy,
Tama lang ang ginawa mo na hindi ipinaubaya ang pagkababae sa bf mo. Kung nilayuan ka ng lalaki dahil ayaw mong ibigay ang pakadalaga mo, hindi ikaw ang nawalan kundi siya. Kahit umabot ka sa edad na lampas sa 30 hindi pa huli ang lahat at batid kong maraming lalaki riyan ang hahanga sa iyo dahil bihira na ang mga babaeng nagpapahalaga sa kanilang virginity. Sa ngayon ay sikapin mong makahanap ng trabaho sa halip na malungkot at isipin ang dating nobyo. Makakatulong din sa’yo na maka-move on kung may pinagkakaabalahan ka. Hindi kasi habang panahon ay aasa ka sa iyong kapatid. Isipin mo rin ang iyong future.
Sumasaiyo,
Vanezza