Ang Numero sa Apelyido Last of 5 parts

Sa pamamagitan ng pagkukuwenta ng inyong family name number, malalaman mo ang general family traits, ang nakakahiligang trabaho o gawain at ang kadalasang nagiging sakit ng inyong pamilya. Narito ang number value ng bawat letra: 1—AJS; 2—BKT; 3—CLU; 4—DMV; 5—ENW; 6—FOX; 7—GPY; 8—HQZ; 9—IR.  Laging i-convert sa single number ang magiging sum total ng inyong apelyido. Halimbawa: Apelyidong Yu (7+3=10 or 1). Ang Yu ay kabilang sa Family Traits of the Number 1.

Family Traits of the Number 9

Traits: Aggressive, active at well travelled. Malakas ang determinasyong magtagumpay sa buhay at hindi natatakot na ipaglaban ang kanilang paniwala. 

Occupation: Mga delikadong trabaho ang napipili nilang pasukan kagaya ng pagbubumbero, pagpupulis, o kaya ay pagsusundalo. Nagiging electrician din sila, machinist, steel at construction worker.

Health: Mas malapit sila sa mga aksidente kaysa nakamamatay na sakit. Mag-ingat dapat sila sa weapons, explosives, knives at iba pang sharp instrument. May tendency na maging alcoholic.

 

 

Show comments