Ang numero sa apelyido (4)

Sa pamamagitan ng pagkukuwenta ng inyong family name number, malalaman mo ang general family traits, ang nakakahiligang trabaho o gawain at ang kadalasang nagiging sakit ng inyong pamilya. Narito ang number value ng bawat letra: 1—AJS; 2—BKT; 3—CLU; 4—DMV; 5—ENW; 6—FOX; 7—GPY; 8—HQZ; 9—I,R.  Laging i-convert sa single number ang magiging sum total ng inyong apelyido. Halimbawa: Apelyidong Yu (7+3=10 or 1). Ang Yu ay kabilang sa Family Traits of the Number 1.

Family Traits of the Number 7

Traits: Masekreto ang 7 family. Tahimik lang sila at hindi mahilig magpapansin. Marami sa miyembro ng kanilang pamilya ay mahilig mag-isa dahil kinikilala muna nila ang mga tao sa kanilang paligid.

Occupation: Kadalasan sa kanila ay nagiging technician, researchers, accountant, computer specialist. Nalilinya rin sila sa mga career na may kaugnayansa science, religious and philosophical fields.

Health: Night sweats, worry and annoyances, stomach and digestive problems na dulot ng pag-iimadyin na maysakit siya kahit wala.

Family Traits of the Number 8

Traits: Kadalasan ay matured ang hitsura nila sa kanilang edad dahil mainitin ang ulo at conservative. Ang isang bagay na ipagkakapuri mo sa 8 family ay hindi sila natatakot magbanat ng buto para lang makamit ang kaginhawahan ng buhay.

Occupation: May kaugnayan sa religion, real state, banking, pagtatrabaho sa gobyerno o may kinalaman sa public service, at pagnenegosyo.

Health: Headache, constipation, rheumatism, blood poisoning, depression, prolema sa tuhod, ngipin at buto. Nasa signos nila na makaranas ng palpak na medical diagnosis, maling treatment o drug prescription. Itutuloy

Show comments