Ang penis ay parang muscle.
Kailangan din nito ng exercise.
Maraming puwedeng mangyari kapag walang regular na erection.
Tulad sa ibang bagay, kapag hindi nagagamit, nasisira o nagkakaroon ng problema.
Ayon sa source ng omgfacts.com, kailangan din ng penis ng regular na exercise para hindi magkaroon ng problema sa kalusugan.
Kailangan ng penis ng oxygen. Para makapasok ang oxygen sa penis, ang mga blood cells na may oxygen ay pumapasok sa penis kapag may arousal.
Kapag napupuno ang penis ng dugo at oxygen, ito ang nagiging sanhi ng erection.
Kung walang regular na erection, maaaring mawala ang elasticity ng penis at may posibilidad rin na lumiit ang inyong mga 'alaga.'
Base sa mga pag-aaral, kapag walang regular na erection, lumiliit ang penis ng isa hanggang dalawang sentimetro.
Nakaprograma sa utak ng mga lalaki ang pagkakaroon ng regular na erection para makaiwas sa problemang pangkalusugan.
Kapag natutulog ang mga lalaki at nasa sleep phase ng REM, ang mag impulses sa utak ang nagiging dahilan para pumasok ang dugo sa penis na siyang sanhi ng erection.
Ito ang dahilan kung bakit gumigising ang mga lalaki na nakatayo si 'manoy.'