Ghost Train (28)
“DINDI, seryoso ka ba?â€
“Oo, Kuya Vincent, gusto ko talagang ma-experience ang pagkakaroon ng boyfriend—kaedad ko, guwapo, mabait…†Nakikiusap sa kuya-kuyahan si Dindi. “Bago ako mamatay, please…â€
“Hindi kaya dapat kay Lord ka humingi ng boyfriend, Dindi? Bakit sa ghost train?†Napapailing si Vincent.
“K-Kuya Vincent, tingnan mo!†May itinuro sa dulo ng kalyehon ang dalagitang may taning ang buhay.
Tuuut. Tuuut.
Mabilis na palapit sa kanila ang ghost train.
“Oh my God, ngayon na ba ako kukunin? A-ayoko pa, Kuya Vincent…natatakot akong mamatay…â€
Niyakap ni Vincent ang dalagita. “Huminahon ka, Dindi. Makikiusap ako sa ghost train…na huwag muna ngayon…â€
Tsuug-tsuug-tsuugg.
Halos nasa harapan na nila ang nagmumultong tren. Pigil ang hininga ng matalik na magkaibigan.
Pero iba ang nakita nila sa ghost train. Binatilyong hindi kaluluwa; totoo, tunay na binatilyo.
“Aaaahh!†sigaw nito, takot na takot.
Kitang-kita nina Vincent at Dindi ang pagtalon ng teenager mula sa super-bilis na ghost train.
Bladagg.
Bumagsak ito sa madamong bahagi ng kalyehon, sa bakanteng lote.
“Oh my God, Kuya Vincent! Saklolohan natin!â€
“Oo, dali, Dindi! Tiyak na balibali ang buto niyon!â€
Nakasubsob sa lupa ang mukha ng teenager, walang kagalaw-galaw.
“Oh my God, Kuya Vincent, patay na yata!â€
Pinulsuhan ito ni Vincent. “Buhay pa yata…ewan, napakahina ng heart beat niya.â€
“Hindi siya dapat mamatay!†bulalas ni Dindi.
“Gising, bro! Gumising ka!†Tarantang niyugyog ni Vincent ang binatilyo. Marami itong gasgas sa mukha at bisig.
Si Dundi ay manghang-mangha. Naniniwalang ang binatilyo ay sagot ng ghost train sa kanyang hiling.
(ITUTULOY)
- Latest