Sa pamamagitan ng pagkukuwenta ng inyong family name number, malalaman mo ang general family traits, ang nakakahiligang trabaho o gawain at ang kadalasang nagiging sakit ng inyong pamilya. Narito ang number value ng bawat letra: 1—AJS; 2—BKT; 3—CLU; 4—DMV; 5—ENW; 6—FOX; 7—GPY; 8—HQZ; 9—I,R. Laging i-convert sa single number ang magiging sum total ng inyong apelyido. Halimbawa: Apelyidong Yu (7+3=10 or 1). Ang Yu ay kabilang sa Family Traits of the Number 1.
Family Traits of the Number 3
Traits: Ipinagmamalaki nila ang kanilang lahi, may positibong pananaw at ambisyoso. Laging nag-aambisyong humawak ng pinakamataas na posisyon sa trabaho. Lahi sila ng madadaldal.
Hanapbuhay: Career na may kaugnayan sa public service o sa gobyerno, religion, arts.
Health: Problema sa skin, feet, overindulgence at low blood pressure. Madalas ay nagsasawa sa trabaho dahil sa overwork at emotional upset.
Family Traits of the Number 4
Traits: May kakaiba silang traits na ang impresyon ng iba ay “kabaliwan†pero actually, normal lang iyon sa kanila.
Hanapbuhay: Hilig nila ang trabahong may kaugnayan sa mechaÂnical at mathematical work, radio, television, electronics, computers, at gadgets.
Health: Moody, nagkakaroon ng sakit na misteryoso at hindi maipaliwanag ng mga doktor. May tendency na sobrang ma-depress na magiging dahilan ng suicide. Itutuloy