MAY nais daw maranasan si Dindi, huling hirit bago siya maging handa sa kamatayan.
“Sana, Kuya Vincent, papayag ka. Lubusin mo na ang pagpapaligaya sa akin…†Kinapitan ni Dindi sa kamay ang kuya-kuyahan.
Kinabahan si Vincent. “A-ano ba ang…?â€
“K-kailangan kong magka-boyfriend, Kuya Vincent. Para makumpleto ang pagdadalaga ko.â€
Napaigtad ang binata. “Dindi, you’re too young para magka-boyfriend. Fourteen ka pa lang.â€
“Magpi-fifteen na ako next week, huli na nga ako sa biyahe, hello?â€
“Dindi, hindi nabibili sa kanto ang boyfriend. Ibig kong sabihin—hindi namamadali iyon.â€
“Kuya Vincent, wala na akong time, nararamdaman kong napakaikli na lang ng buhay ko…
“Gumawa naman tayo ng paraan, please.â€
Lalong napatanga kay Dindi si Vincent. Awang-awa sa kalagayan ng mahal na kaibigan. “A-anong paraan, Dindi? Mangidnap ako ng binatilyo at puwersahang paligawan ka?â€
Umiling ang dalagita. “Kuya Vincent, hihiÂlingin ko sa ghost train—na bigyan agad ako ng boyfriend na guwapong teenager.â€
Napantastikuhan na si Vincent. “Nababaliw ka na ba, Dindi? Kailan pa naging hingian ng wishes ang ghost train?â€
Huminga nang malalim ang dalagita. “Kuya Vincent, nais na nais mong magkaroon ng malaÂking pera—pinagbigyan ng ghost train ang wish mo, di ba?â€
“Iba namang kaso ‘yon, Dindi. Napakaganda ng intensiyon ko…â€
“Maganda rin ang intensiyon ko. Ang maranasang umibig at ibigin.â€
HINDI napapigil si Dindi. Nang hatinggabi ring iyon ay inabangan nila sa labasan ang ghost train.
“Kaululan ito, Dindi, lalamukin lang tayo rito. Hindi basta dumarating ang ghost train. May sariÂling schedule at lugar ‘yon na dadalawin.†Nasa entrance sila ng kalyehon nila.
“Dama ko, maaawa sa akin ang ghost train a.k.a. si Kamatayan. Bibigyan niya ako ng boyfriend kapalit ng aking buhay.†ITUTULOY