^

Para Malibang

‘Junk Foods’ nakakabaliw?

Ms. Jewel - Pang-masa

Bagama’t marami ng nakakabatid na ang karaniwang pagkain ng mga Amerikano ay nagiging sanhi ng diabetes, sakit sa puso at cancer, iilan naman ang nakakaalam na konektado ang uri ng iyong kinakain sa magiging takbo ng iyong isip. Ayon sa National Institute of Mental Health, one quarter ng mga Amerikano ay nagdaranas ng mental disorder taun-taon, at lumalabas na ito ay may kinalaman sa iyong kinakain.

Ito ang lumabas sa bagong research ng mga eksperto at napatunayang may basehan ang pagsusuri.

Ang mga pagkaing gaya ng junk foods gaya ng mga sobrang mamantika o nilulubog ng husto sa mantika, process foods, matamis at refined grains ay maaa­ring maging sanhi ng problema sa isip. Kumpara sa mga pagkaing nagmula sa mga sariwang gulay, isda, karne at mga whole grains. Bagama’t hindi pa naman 100% na ito ay tiyak, wala pa rin mawawala sa iyong kalusugan kung medyo iiwasan ang mga nasabing pagkain na maaaring maging sanhi ng pagkabaliw.

Paano nga ba ito mangyayari? Ang good at bad microbes ay nabubuhay sa gastrointestinal tract. Naniniwala ang mga siyensiya na ang mga microbes na ito ay direktang nagkakaroon ng komunikasyon sa isip at mayroon silang malakas na control sa physical at mental health ng katawan ng tao.

Kaya naman kuung kakain ng mga junk foods na ito, mas pinadadami mo sa iyong katawan ang bad bacteria na nagpapahina naman sa mga good microbes na siyang nagbabalanse ng takbo ng iyong isip at katawan. Kapag ganito ang nangyari ay bigla na lang may nababago sa iyong brain chemistry, mood at pag-uugali na minsan ay nagreresulta pa sa depresyon at pagiging mainitin ang ulo.

AMERIKANO

AYON

BAGAMA

IYONG

KAPAG

KAYA

NATIONAL INSTITUTE OF MENTAL HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with