Ang Numero sa Apelyido

Sa pamamagitan ng pagkukuwenta ng inyong family name number, malalaman mo ang general family traits, ang nakakahiligang trabaho o gawain at ang kadalasang nagiging sakit ng inyong pamilya. Narito ang number value ng bawat letra: 1—AJS; 2—BKT; 3—CLU; 4—DMV; 5—ENW; 6—FOX; 7—GPY; 8—HQZ; 9—IR.  Laging i-convert sa single number ang magiging sum total ng inyong apelyido. Halimbawa: Apelyidong Yu (7+3=10 or 1). Tingnan ang ibig sabihin ng Yu sa Family Traits of the Number 1.

Family Traits of the Number 1

Traits: Agresibo, determinado, ayaw matalo, gusto ay laging nangunguna, mahusay mamuno. Laging nakakaranas ng “first time” kagaya ng first doctor, first lawyer, etc.

Hanapbuhay: Administrator, lawyer, writer, inventor, leader.

Health: Heart problem, high blood pressure, astigmatism at lungs.

Family Traits of the Number 2

Traits: Mga metikulosa sila pagdating sa pana­namit, manners, living habits at diet. Kadalasan ay mga sosyal lalo na ang mga babae sa pamilya at nirerespeto sa lipunang ginagalawan nila dahil maimpluwensiya at sikat ang pamilya.

Hanapbuhay: Artist, poets, musician, works with computer or electronics, food industry. Kadalasan ay pinagkakakitaan ang kanilang hobby.

Health: Stomach, digestive problem, diabetes, tumor, ulcer, hemorrhoids. Ang mga babae ay nagkakaroon ng problema sa reproductive system.

Itutuloy

Show comments