Dear Vanezza,
Ako po’y may asawa at anak. Ang problema ko po ay tungkol sa aking misis na bugnutin. Ang pinaka ayaw ko sa kanya, kapag nagtatalo kami ay nagbabasag siya ng gamit namin sa bahay. Malapit nang maubos ang pasensiya ko sa kanya. Feeling ko insecure siya lagi. Pati mga kapatid niya na kasama ko sa bahay kapag nag-aaway sila pinapalayas niya. Naaawa ako sa mga kapatid niya. MaraÂming beses ko na siyang kinakausap pero ang hirap po niyang paliwanagan. Mahal ko ang asawa ko at pamilya ko kaya tinitiis ko ang ugali niya at lagi ko siyang iniintindi. Kaya lang baka hindi ko na makayanan at hiwalayan ko siya. Anong dapat kong gawin? - Serdan
Dear Serdan,
Alamin mo ang dahilan ng pagiging bugnutin ng asawa mo. Ang tao ay hindi bast-basta umaakto nang kakaiba nang walang dahilan. Sabi mo baka insecure. Tanungin mo ang iyong sarili, may dahilan ba para siya mainsecure? Hindi ka kaya nagkukulang ng atensiyon sa kanya? Ang sino mang asawa na naghahanap ng atensiyon at kapag nagkukulang ka ay posibleng mitsa ito ng kanyang pagsusungit. Ipasyal mo siya kahit minsan sa isang Linggo. Baka puro trabaho na lang at wala na kayong quality time. Importante ang bonding sa mag-asawa.