Alam n’yo ba na ang isang pangkaraniwang tao ay 2,500 beses na gumagamit ng comfort room o banyo kada taon? Sa Afghanistan, 7% lang sa mga bahay nito ang may flush ang toilet, pero, 19% ang may telebisyon sa loob ng banyo. Nobyembre 19 naman ang kinikilalang World Toilet Day. Ang pinakamagarbong toilet ay pag-aari ng Hang Fung jewelers. Ito ay gawa mula sa purong ginto o 24-carat gold. Ginawa ito upang maging atraksiyon sa mga turistang nagpupunta sa Hong Kong. Kaya lang dahil sa pagbabago ng patakaran dito, minabuti ng Hang Fang jewelers na tunawin ang nasabing toilet at ang kinita rito ay ginastos sa paglalagay ng kanilang kompanya sa Mainland China. 50-taon naman ang itinatagal ng isang toilet. Ang pagkakadulas ni King George II ng Great Britain sa toilet ang naging sanhi ng kamatayan nito. Ang White House ay mayroong 30-bathrooms. Gumagamit naman ng 636 toilet paper roll kada araw ang Pentagon. Ginanap naman sa Singapore noong 2001 ang kauna-unahang World Summit on Toilets.