‘Bipolar’ ka ba? (2)

Psychosis - delusyon/nag-iisip at naniniwala na ang lahat ay hindi totoo

* Mahina sa klase

* Sinyales at Sintomas sa panahon ng Depresyon

* Pakiramdam ay nasa dilim at kawalan ng pag-asa

* Sobrang kalungkutan

* Sa malubhang kaso ang pasyente ay nag-iisip na kitlin na ang kanyang buhay

Insomnia â€“Problema sa pagtulog o hirap makatulog at nagigising sa gabi at hirap ng makabalik sa pagtulog.

* Balisa

* Nakukunsensya – Pakiramdam na ang lahat ay nagiging mali at siya ang dahilan

* Pagbabago ng gana sa pagkain

* Pagbaba ng timbang

* Sobrang pagkapagod

* Hindi masaya sa ginagawa na karaniwan ay iritable.

* Kawalan ng atensyon.

* Madaling mairita, karaniwan ito ay dahil sa ingay, amoy, masikip na suot na damit, at iba pang bagay na hindi dapat pansinin at bi­gyan ng importansya

Ang ibang pasyente ay hirap bumalik sa trabaho at eskuwela dahil sila ay nahihirapan mag trabaho at mag-aaral.

Psychosis â€“ Ang pasyente ay hindi alam ang kaibahan ng fantasy sa reyalidad.

Ang sintomas ng psychosis ay katulad ng delusyon (mali pero malakas na paniniwala) and halusinasyon (nakakarinig o nakakakita ng mga bagay na wala naman).

Show comments