Dahil summer, uso ang pagpunta sa beach at pagsusuot ng mga swim suit. Kaya naman ang ibang kababaihan, problema ang kanilang mga stretch marks kung paano aalisin ang mga ito. Narito ang ilang paraan para alisin ang mga kamot mo sa katawan.
Paglalagay ng lemon juice – Nakakatulong ang paglalagay ng lemon juice sa iyong balat dahil sa natural na bleaching agent . Dahil dito, madaling mabura ang mga kamot mo sa katawan. Ibabad ang lemon juice sa iyong balat ng sampung minuto at saka banlawan.
Gumamit ng patatas – Kung nagbabawas ka ng carbohydrates para hindi tumaba, kaya hindi ka bumibili ng patatas, ngayon ay mamahalin mo ang pagbili nito dahil sa pag-aaral ay napatunayang importante ang katas nito sa pagpapanumbalik ng malusog na skin cells. Mabuting humiwa ng patatas at tusuk-tusukin ito para lumabas ang katas at literal na ipahid ito sa iyong mga “kamot†sa balat. Patuyuin ng 10-minuto at saka banlawan ng maligamgam na tubig.
Olive oil - Mataas ang vitamin E ng olive oil, kaya naman mahusay ito sa balat. Palalambutin nito ang iyong balat at kapag malambot na, mag-e-expand ito at unti-unting mabubura ang kamot mo sa balat.
Asukal – Magandang gamitin ang asukal para maalis ang mga dead skin cells ng balat. Subukan mong maghalo ng kaunting asukal, oil at lemon juice. Saka ito gamitin sa balat matapos mong mag-shave at siyempre ipahid ito sa iyong stretch marks. Panatiliin ang paghihilod ng asukal sa loob ng sampung minuto at saka maligo.