^

Para Malibang

Kumusta naman ang iyong kilikili ngayong ‘summer’?

Ms. Jewel - Pang-masa

Dahil summer ngayon, halos lahat ng tao ay naliligo sa pawis, lalo na kung ikaw ay isang commuter at nakikipagsiksikan sa loob ng mga pampublikong sasakyan. Ang sobrang init ngayon ang tiyak na pipiga sa iyong katawan upang maligo ka ng pawis mula ulo hanggang paa. Kaya naman ang iyong kilikili tiyak na nangangamba na maglabas ng mabahong amoy.

Maraming naglipanang iba’t ibang uri ng  deodorant na mabibili kahit saang malls o supermarket. Kaya lang, kung ikaw ay may malasakit sa iyong trabaho at sa environmental effects na nasa sangkap ng mga produktong ito, tiyak na maghahanap ka ng alternatibong paraan para hindi makaranas ng negatibong epekto ng mga chemical na taglay nito.  May mga kemikal kasi na taglay ang mga deodorants gaya ng parabens, formal­dehyde, triclosan at aluminum. Ito ang dahilan kaya hindi nagpapawis ang iyong kilikili kapag naglalagay ng deodorant. Bina-block kasi nito ang iyong mga pores sa kilikili para hindi lumabas ang pawis. Bagama’t wala pa naman konkretong ebidensiya na isa ang aluminum sa pinagmumulan ng breast cancer, mas mabuti pa rin na gumamit ng deodorant na tiyak mong walang masamang epekto sa iyong katawan. Narito ang ilan alternatibong deodorant na maaari mo rin gamitin:

Baking soda – Isang simpleng paraan para hindi magkaroon ng amoy ang iyong kilikili ay sa pamamagitan ng paggamit ng pinaghalong ba­king soda at cornstarch. Maghalo lang ng ¼ teaspoon ng baking soda at ¼ teaspoon din ng cornstarch saka  lagyan ng isang kutsaritang coconut oil. Haluin ito hanggang sa maging paste. Ilagay sa isang malinis na lalagyan at itabi sa isang lugar na mayroong katamtamang temperatura. Nakakatulong ito para maiwasan ang pamamasa ng iyong kilikili at pagkakaroon ng mabahong amoy.

Lemon juice o kalamansi – Ang maasim na katas ng lemon o kalamansi ay pumapatay ng bacteria at mabahong amoy sa kilikili.  Marami na ang nagpatunay na ito ay epektibo. Iwasan lang maglagay nito kung bagong shave ang iyong kilikili dahil tiyak na mapapasigaw ka ng Ouch!!!...

BAGAMA

BINA

DAHIL

HALUIN

ILAGAY

ISANG

IYONG

KAYA

KILIKILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with